Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng bawat taga-Barangay Sta. Ana kung ano ang Climate Change. Dahil dito, mas magiging abnormal na ang magiging takbo ng ating klima. Ang sobrang pag-init ng mundo ay magdudulot ng pagakatunaw ng mga ice caps sa North at South Pole. Dadalas na ang pagdalaw ng bagyo sa ating bansa. Ayon sa PAGASA may 20 bagyo ang tatama sa ating bansa. Ang lahat ng ito ay magdudulot ng pagbaha sa ating lugar.
Alam ni Kapitan Joselito Calderon at ng ating mga kagawad ang naka-ambang problema dulot ng baha. Naglunsad siya ng isang proyekto na pinangalanang “Save Maningning Creek”. Naglalayon ang proyekto na linisin ang Creek ng Maningning at ipaalam sa mga taumbayan ang kahalagahan ng may malinis na mga ilog, sapa at batis.
Ang nasabing creek ay ang pinakamalaking bahagi ng tubig dito sa kabayanan ng Barangay Sta. Ana. Kung malilinis ito ay masusulosyunan ang problema ng baha sa ating Barangay.
Noong May 2011, nagkaroon ng “Day Of Action” ang ating barangay at ang paglilinis ng Maningning ang naging proyekto. Katulong ang mga taga-barangay na nag-volunteer, nilinis ang kahabaan ng nasabing creek. Ito ay sa pakiki-isa din ng St. Vincent Foundation, Lingap Buhay, Angat Taytay Movement, student council ng Taytay National High School, Sangguniang Kabataan ng Sta. Ana, Senior Citizen, at ni Gov. Jun-jun Ynares.
Nagsimula ang programa sa isang forum kung saan ay ipinaalala ng ating mga kababayan kung gaano kaganda at kalinis ang dating creek. Dito din ay nabangit ni Kap Joey ang kanyang plano para sa Flood Control Project hindi lamang tutugon sa baha sa Barangay kundi maging sa buong bayan ng Taytay. Nataniman din ang gilid ng Maningning ng mga kawayan sa nakadagdag sa kagandahan ng programa. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng signature campaign na kung saan ang lahat ng mga dumalo ay naki-isa sa pamamagitan ng pagpirma sa tarpaulin sa pangunguna ni Kapitan at ng kinatawan ni Governor Ynares. Ito ay nagpakita na ang lahat ay may maigting na naisin na malinis at maisa-ayos ang Creek.
Matapos ang forum ay sinimulan naman ang clean-up drive. Lahat ay nag-ambag ng mga kaya nilang gawin para makatulong sa pagsasa-ayos ng Maningning. May mga sumakay pa ng bangka para lang malinis ang nasa gitnang bahagi ng creek. Ang mga kababaihan ay nagwalis sa gilid at ang mga kabataan naman ay nagtanim ng kawayan.
Mas naging madali at makabuluhan ang proyekto dahil nagtulungan ang pamahalaan at pinamamahalaan para sa iisang layunin.
Ito ay unang hakbang pa lamang ng ating Kapitan para sa ganap na kaayusan ng ating sapa. Sa mga sandaling ito ay nakikipag-ugnayan ang Sangguniang Barangay sa Department of Natural Resources para mga posibleng proyekto na maaring makatulong sa sapa.
Madami pa ang dapat gawin, madami pa ang dapat asikasuhin at kausapin. Subalit, dahil sa inisyatibo ni Kapitan at pakikipag-tulungan ng mamamayan, hindi din magtatagal ay maibabalik na ang dating ning-ning ng Maningning.
sa pagkakapanalo ni TRUMP, Lalo lamang nitong pinatunayan na ang Climate Change is a total HOAX, na ang layunin nito mula pa sa umpisa ay ang kontrolin ang Pandaigdigang Kalayaan, Kalakalan at ang Pandaigdigang Relihiyon. Pero hindi rin magtatagal sa pwesto si TRUMP at patuloy pa ding mananaig ang Pandaigdigang Pagkontrol sa buong sanlibutan.
ReplyDelete